?

Log in

1024x768 po.. "STICKY POST"

Apr. 16th, 2016 | 01:11 am
mood: chipper chipper

Image hosted by Photobucket.com
Di ko sinasadyang mabura ang laman ng STICKY POST na ito..



hindi porke't may bagong entry dito ay ibig sabihin buhay na ulit si mitig_panghal
minsan ay nagtotopak lang si babasagingdupok kaya ang mas walang kwentang kawalangkwentahang dapat isusulat niya ay natatambak kay mitig_panghal
seryoso.

Link | Leave a comment {39} | Share


birthday ko na mamaya

Feb. 9th, 2007 | 08:33 pm
mood: confused confused

punyemas!
bente




uno nako mamaya!
punyemas!
at ginagamit ko pa ang old school termino na punyemas!
punyemas talaga yan!

hahaha!
batiin niyo ako mga repapips!
ok..
overkill na ang mga old school termino! @_@

pero kahit na!
bente




uno nako!
puwede nakong bumili ng alak sa states!
hindi sa may balak akong pumunta sa states!
kung nababasa ito ng mama ko ngayon, hindi ako umiinom ng alak!
kung nababasa ito ng isang caucasian, pakyu ka! wala akong balak pumunta ng caucasia!
(goddamn caucasians.. stealing our gold.. raping our women..)

hemmingway.
naaalala ko dati yung mga pinsan kong nag bente uno.
naaalala ko rin nung nag 18 ako.
naaalala ko rin na.. uh.. di ko maaalala yung naalala ko kanina bukod dun.
basta alam ko bente uno nako mamaya at sa mga mata ko dating wala pang muwang, napakatanda na ng bente uno!
tipong puwede ng mag-asawa. @_@

at tulad nung nag 18 ako (oo, hindi ko alam spelling ng 18 sa spanish.),
tingin ko walang malaking pagbabagong magaganap..
at masama yun!
pucha!
tama na ang angst.
ayoko!
birthday ko mamaya.
oo, inuulit ulit ko na birthday ko na mamaya at "birthday ko na mamaya" rin ang subject ng entry na to at sa dalawang journal ko pa nilagay.
oo, idinidiin kong birthday ko para naman may mga bumati para naman maging masaya ako.
make me happy people!

AH!
naaalala ko na yung naalala ko kanina na di ko na maalala kanina.
sabi ko nung grade5 ako magpapakamatay ako ng 21.
tingin ko di pa mangyayari mamaya yun.
natatakot ako sa responsibilidad ng isang matanda kaya ko binalak yun.
ang naisip kong solusyon para naman hindi ako magmukhang gago na salita lang ng salita tungkol sa kamatayan ay..
magpapakaisip bata ako hanggang tumanda ako!
ayan..
wala nakong rason para mamatay!
woohooo! @_@

BIRTHDAYKOMAMAYA!
woohooo ulit!

Link | Leave a comment {18} | Share


LJ = Leche Journal

Oct. 13th, 2006 | 05:04 am
mood: crappy crappy

gusto mo ba ng instant rehab mula sa ka-adikan ng browse/search na serbisyong hatid sa inyo ng friendster at myspace?
simple lang!
stalk niyo profile ng ex niyo.
instant kill!


tapos magdamagan mong hulaan yung password ng e-mail niya..
tapos i-retrieve mo lahat ng password ng mga serbisyong kinabibilangan niya..
tapos basahin mo ang buong natatagong buhay niya..
tapos sumpain mo ang araw na nakilala mo siya..


haha!
leche.

Link | Leave a comment {2} | Share


w00t

Oct. 11th, 2006 | 12:58 pm
mood: crappy crappy

Gah.

Sa Buendia

Janzen: Teka lang, bili lang akong yosi.
Joplox: Ha? O sige, bilisan mo lang.

*nagtungo sa Shell Select*

Janzen: Igs. Amoy..
Joplox: Amoy paint thinner.
Janzen: Huli mo.

*bumili ng yosi at lumabas*
*nagsindi ng yosi*

Joplox: Di kaya tayo lumiyab nito?
Janzen: Hindi naman makakasimula ng sunog ang yosi at paint thinner di ba?
Joplox: Uh..
Janzen: Uh?
Joplox: Nasa gasulinahan tayo, BOBO!
Janzen: Mas bobo ka!
Joplox: ...
..

..
At akalain mong buhay pa pala si mitig_panghal!
w00t!
Nakakasawa na kasi ang friends only na journal, walang bagong tao na makilala.
hiyess!
ginawang hunting grounds ang LJ!
bleah..
akalain mong feeling hunter ako! @_@
..

..
leche!
tingin ko na tetano ako!
tsk.
sa lahat ba naman ng sakit, tetano pa?
wala man lang drama?
wala man lang "*GASP* *insert sakit na nakaka-GASP here*?!"
badtrips.
ayokong patignan sa doctor, tignan natin kung papasa ako sa 70% survival rate niya.
w00t!
..

Link | Leave a comment {3} | Share


tungkol sa leche, sa mga gusto at sa hassle.

Jul. 12th, 2006 | 02:13 am
mood: confused confused

mukhang si babasagingdupok naman ang nagtotopak ngayon.

leche.
..

..
nagdudugo ang ilong ko.

hindi ako makatulog at nagdudugo ang ilong ko.

hindi sa sinasabi kong ang pagdugo ng aking ilong ang dahilan ng di ko pagkatulog, sinasabi ko lang na di ako makatulog at nadudugo rin ang ilong ko.

hindi ako makatulog.
hindi ako makatulog dahil masyadong nagliliwaliw ang isip ko.
nagiimbento nanaman ako ng ibang mundo.

ang labo nga naman ng buhay.
lagi akong tulog pero hirap akong makatulog.
hindi ako makatulog pero ang hirap kong gisingin.
..

..
ano bang pinagkaiba ng pananaginip at ang ginagawa kong pagpapantasya?
pareho ka lang namang nabubuhay sa mundong hindi totoo.
pareho ka lang namang nakapikit, nakahiga at nababalot ng kadiliman.
hindi ka nga lang tulog.
ayun!
..

..
ayoko na talaga.

kung hindi lang siguro ako natatakot sa sakit at sa impyerno ay nagpakamatay nako ngayon.
wala lang, para lang makatulog.

para lang makatulog ay magpapakamatay ako.
ang daling isipin at sabihin.
badtrip.
..

..
pero, hindi nga.
kilalang-kilala ko na ang mga panahong ganito.
lagi naman.
tipong matutulala ka lang tapos maiisip mong nag-iisa ka lang talaga sa mundo.
na tanging ang dilim at liwanag ng kuwarto mo ang tanging dilim at liwanag na kaya mong kontrolin.
na ang lahat ng tao sa paligid mo ay sa isang punto ng buhay mo ay bibigyan ka ng hassle, minsan sabay-sabay pa sila.
..

..
hassle talaga lahat ng babae!
hassle lahat ng babaeng may nararamdaman kang pagtingin, pagkaakit, o/at pagmamahal.
yun lang ang hatid niyong mga babaeng hassle!
yun lang at ligaya.
yun lang at magagandang mga memorya.
yun lang at ang paghahangad na matapos na ang araw upang magkaroon ng bagong araw na kasama kayo.
yun lang at insomnia.
yun lang.
..

..
gusto ko ng yosi.

gusto ko ng sofa
o kaya malamig pero hindi basa at makating damo.

gusto ko ng malamig na hangin
o kaya maligamgam na hangin, basta mabilis ang paghampas.

gusto ko ng mga bituing maningning
o isang sobrang liwanag na buwan
o kaya kumpletong kadiliman ng makakapal na ulap.

gusto ko talaga magyosi,
pero mas gusto kong makatulog.

gusto kong makatulog ng komportable.
gusto kong makaramdam ng seguridad,
seguridad na magtatagal.
..

..
wow.
tumigil din ang pagdudugo ng ilong ko.
wow.

kaso di parin ako tinatamaan ng antok.


leche!
..

Link | | Share


Backdated

Jun. 30th, 2006 | 03:55 pm
mood: chipper chipper

haha!
at dahil wala na rin naman akong balak sulatan ng sulatin ang journal na ito..

gagawin ko na lang siyang talahiban ng aking pinatay na pikshooors!
haha!

oo na!
oo na!

eh sa gusto kong ipakita sa publiko ang mga larawan ko eh!
hindi naman masama yun..
diba?!
DIBA?!

ayoko namang dungisan ng public entry ang aking cutie na si babasagingdupok

kaya eto!
sige!
magkandarapa kayo sa angkin kong uh..
kakapalan ng mukha!
woo-hooo!

wala akong binago sa mga larawan kundi ang kanilang laki..
yun lang..
Ating aksayahin ang ilang minuto ng ating napakaiksing buhay sa pagtingin ng mga larawan ni janzenCollapse )

Link | Leave a comment {2} | Share


My LJ!

Jun. 22nd, 2006 | 01:01 am
mood: cranky cranky

bilang pagpapatunay na mayroon talaga akong tunay na rason upang hindi makatupad sa mga obligasyong lakad..


Photobucket - Video and Image Hosting
RIDER CHANGE!

Happy Silver Anniversary!Collapse )

Link | Leave a comment {3} | Share


(no subject)

May. 27th, 2006 | 09:34 pm
mood: crazy crazy

The Rules:
1. Write something about 15 different people.
2. You can NOT say who they are.
3. If someone asks you which one is about them, you can NOT tell.

GAME!

1. Eto na, dude! Oras na para tuparin ang mga pangarap. Masyado na nating pinaliit ang butas.

2. Ang sakit mo sa ulo! Hindi ko alam kung bakit, pero masakit! Pati rin sa puso.

3. Nakakahawa daw ang kabobohan. Siguro pati kagaguhan at kakupalan nalilipat din sa ibang tao. Mabuti pa kaya lumayolayo ka na sakin kundi matatadyakan kita.

4. ARGH! I CRUSH you! O.A Crush! AS IN! Kaso nakakatakot ka eh!

5. Dati cute ka. Anong nangyari?

6. OY! Magpakita ka naman! Miss na kita! Yiiiiiiii!

7. "I PLEAD TEMPORARY INSANITY"! 2 Buwan kong status sa YM at Friendster. Patawarin mo na ako aking munting kapatid.

8. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako sayo! sana maging magkaibigan tayo forever and ever and ever and ever.. *toink*

9. ULUL! Hindi ka nakakatawa. Akala mo nakakatawa ka kasi nasabihan ka na dati ng *IILANG* tao na nakakatawa ka! PERO HINDI KA TALAGA NAKAKATAWA! Hindi ka rin matalino, iniisip mo lang yun dahil inaasahan mong mapupunan nito ang hindi mo pagiging guwapo.

-Akalain mong natamaan na ng 9 na yan ang 15 tao!
Akalain mo nga naman.-



SARBEY SARBEY SARBEYCollapse )

Link | Leave a comment {16} | Share


IMORTANTE

Apr. 22nd, 2006 | 01:08 am
mood: blah blah


TAPOS NA
ang topak ni mitig_panghal

KASO
nakakatamad mag update ng dalawang journal

KAYA
lilipat na ako ng medyo tuluyan

KAY
babasagingdupok

PA-ADD!

Link | Leave a comment | Share


Interactive Johari&Nohari Window

Feb. 19th, 2006 | 12:57 am
mood: crappy crappy

http://kevan.org/johari?name=Joplox
http://kevan.org/nohari?name=Joplox


nais kong maki-uso, at oo, interesado rin ako sa resulta.

Link | Leave a comment {2} | Share